Jessica Soho urges UP Diliman graduates to be disruptors for good

By PhilSTAR L!fe Published Jul 07, 2025 3:18 am

For Jessica Soho, graduating from the University of the Philippines comes with responsibility. 

The award-winning broadcaster graced the 2025 commencement exercises of UP Diliman on July 6 as the guest speaker. In her speech, Soho highlighted the importance of service, which is part of the university's core values alongside honor and excellence.

She also gave advice about entering the working world and shared how building relationships and treating everyone equally helped in her 40 years in the media industry.

Additionally, Soho touched on the impact of Gen Z in the recent 2025 elections and urged graduates to use their voice and to remain inquisitive 

Read the transcript of Soho's speech below.

“Eh ano ngayon kung UP ka?” Tandang-tanda ko pa ‘yung pambungad sa’kin ng aking cameraman noong bago palang akong reporter 40 years ago to be exact. Sabi pa niya, magbuhat ka nga ng gamit at tripod, matuto ka mag-ilaw at magsaksak ng mikropono. Work is an equalizer. Sa trabaho, pantay-pantay tayong lahat saan ka man nag-aral. 

“Eh ano nga ba kung UP kayo?” I throw that same question to our graduates now. Ano ba ang ibig-sabihin ng inyong UP education. Look no further. The answer is right here in the community within and around the campus. Hindi vacuum ang UP at mas lalong hindi ito ivory tower. Hindi mahirap i-connect ang ating mga pinag-aralan sa mga realidad ng buhay dahil katabi lang ng ating academic buildings o tambayan ang mga tahanan at munting negosyo ng mga naghahanapbuhay dito. ‘Yung totoo, ngayong gagraduate na kayo, bukod kay Mang Larry, kilala niyo man lang ba kung sino si manong fishball o sino si manang bananacue? Baka lang ibalik niyo sa’kin yung tanong. “Eh ikaw, Jessica? Sinong naalala mo?” Si Mang Efren, ‘yung nagtitinda ng prutas sa lumang SC o shopping center bago ito nasunog at naging mall. At siyempre, walang nagdaan sa IMC or CMC o... shout out! o sa Institute o College of Mass Communications o Communications noong time namin na hindi dumaan si Aling Suming. Andami kong shoutout ah.  

Napakahirap pong sumulat ng speech lalo na para sa university graduation ng UP Diliman. Para akong gumawa ulit ng thesis kaya kinailangan ko rin ng adviser, ang dati kong kasama sa GMA na si Jobart Bartolome ng UP Psychology Department at ng CMC o ng College of Media and Communication na ngayon. At ayon sa readings o pagbabasa na binigay niya tungkol sa mga konsepto ng loob at kapwa ni Dr. Virgilio Enriquez at ng iba pang pag-aaral tungkol sa sikolohiyang Pilipino, ang sense of self nating Pilipino, naiiba sa kaunluranin o Western concept. Ang loob ay kasama ng kapwa, hindi hiwalay. Katulad ng kagadahan ng loob. Kapag sinabi na maganda o mabuti ang iyong loob, ibig sabihin, ganun ka rin sa iyong kapwa. Di mo pwedeng sabihin maganda o mabuti ang iyong loob kung hindi mo naman pinagmamalasakitan ang iyong kapwa. Konektado o magkaugnay ang loob at kapwa parang UP, kadugtong ng komunidad o lipunan, ramdam ang bawat kibot o sigalot nito. Siguro medyo aligned dito ‘yung sinabi ng kaibigan kong doktor na ang reseta o prescription for happiness is to stop thinking about yourself, to get out of yourself and help others.  

Sa mga unang araw na sinubukang kong isulat itong speech ko ngayon, umulan ng mga missile at bomba sa ilang bahagi ng Middle East kaya napaisip ako. Sa takbo ng mga pangyayari ngayon sa mundo, at kahit sa ating bansa, paano ko kaya mabibigyan kayo ng inspirasyon sa simula ng inyong professional life—hanggang naalala ko, kasama kayo sa batch na sinubok ng pandemic. Zoom ang naging classroom kahit meron ng mga hybrid classes. 

Sabi ng Comelec, marami sa inyo ang bumoto sa katatapos na eleksyon, bagamat hindi pa masabi kung mayroong pa bang masasabi na youth vote ang Pilipinas, gayonman, you guys made the difference. You were significant influencers, you are inspiring. With your voice, baka nemen meron nang pag-asa. Sana kayo ‘yung matagal ng hinihintay na pagbabago.  

Swerte rin ang inyong batch dahil sa pandemic, ‘di na kayo ni-require mag-UPCAT, otherwise, the data is daunting. For 2025, only 13% or only 13 out of 100 students who took the UPCAT passed. It cannot be denied that a UP education is a privilege with the best teachers and learning resources, and may I add, lambing lang naman ‘to, at the expense of Filipino taxpayers, kahit ‘yung mga hirap sa buhay. Oo, sinusumbatan ko kayo, kinokonsenya, gentle reminder lang naman. Imposibleng hindi niyo sila mapapansin, the faces that you see on the streets struggling to get to work, to make ends meet or just to make it home. Maaring kayo rin mismo ang inyong mga magulang, day in, day out, mga mandirigma sa kalsada at sa buhay. Oo, mataas ang expectation sa bawat isa sa inyo, hindi para kayo’y magfeeling entitled o superior but to be humble and thankful. UP kayo, ‘wag maging mayabang. Magpasalamat, maging mapagkumbaba, stay grounded. Hindi tayo naiba o nakaangat kundi, kaisa ng komunidad at ng lipunan.  

Trite at very apt sabihin, literally and figuratively, UP Diliman is a breath of fresh air. From my own experience, there is always a thing or two that inspires here. Kung hindi ang mga sunflower that bloom just in time for the graduation, it’s the husband and wife who feed stray dogs sa likod ng mga tindahan ng prutas sa may C.P. Garcia, or some students near Project NOAH who feed stray cats naman, or the families that picnic on the grass during weekends. ‘Pag may trabaho na kayo, dalawin niyo pa rin sana ‘yung campus.  

Tinanong ko si Vice Chancellor for Community Affairs Jerwin Agpaoa kung bakit ako ang napili niyong maging speaker sa inyong graduation. Kung ang hanap niyo kasi ay inspirasyon, kaming mga journalist siguro ang pinaka-least inspiring. Madalas nga, bad news o mga malungkot na kuwento ang hatid namin. Kasi raw, interesado kayo sa aking mga balita’t kuwento; na sa akin namang palagay, puwede niyo ring kapulutan ng aral.

Heto na ang ating storytelling.

Before March of 1989, chika o kuwento sa akin ng isang enlisted man o sundalo sa press office ng Camp Aguinaldo—meron palang lugar sa karagatan ng Palawan—na tinatawag na Spratly Islands. Kaunti pa lang ho ang nakakaalam
nito, noon. At wala pang Google o ChatGPT. Ayon kay Sarge (hindi ko na po siya papangalanan) itinapon siya sa Spratlys bilang parusa, noong siya’y nag-misbehave! Those were his own words. Iba na ho yata ang patakaran ngayon ng militar. Sumakay kami sa maliit na eroplano ng Philippine Air Force.

Kasama ng mga tiga-Comelec na mangangasiwa ng pagboto roon ng mga sundalo. Kaso hindi nakita ng aming mga piloto, iyung isla ng Pag-asa. Pagbalik namin dapat sa Puerto Princesa City, na-drift—'yun po ang ginamit na term—daw kami. Sa madaling salita, nalihis ang daan sa ere o nawala. Ang problema, wala pang modernong navigational device ang eroplano at halos naubusan na rin ito ng gasolina. Akala po namin, katapusan na namin. Kaya nag-iyakan at nagdasal na kami. Pero ang bait po talaga ni Lord o masama kaming mga damo—dahil out of the blue, may nakita kaming isla with an airstrip. Nakaligtas kami! Pero dahil wala pa noong cellphones at satellite phones, medyo natagalan bago iyun nalaman sa Manila. Kaya ipinagdasal na raw kami at inihanda na rin ang aming obituaries. Ang headlines nga ng diario nung nakabalik na kami—“Jessica, back from the dead!” We lived to tell the story.

Nakapunta na rin naman po ako ng ilang beses sa Spratlys. Na hanggang ngayon nga’y hot issue! Moral of the story, bukod sa may value ang pakikipag-marites ko sa isang sundalo—Relationships are important! Your lives will be richer if you include people who are not like you. Reach out to more people; get out of your own circles or silos and echo chambers.

Sa panahon ngayon na lahat tayo, meron nang boses, na puwede pang i-amplify o palakasin sa pamamagitan ng social media, kailangan din nating makinig. Listen well. Magugulat kayo sa mga puwede niyong malaman. Sa mga papasok sa negosyo o sa mga kumpanyang naglalako ng produkto o serbisyo—that’s your marketing research. Sa mga gustong sumikat diyan, kaway-kaway mga content creator, those are your followers or fan base. Sa amin sa media, it’s knowing our audience or demographics. Sa iba pang mga propesyon, it’s knowing your customers or clients and their wants and needs. They are the people you will serve. Matuto tayong makibagay at makisalamuha, makipag-kapwa. Again, loob at kapwa. UP at ang komunidad o lipunan. We are the equation! Kailangan magkasama.

Minsan may tumawag sa akin na “Calamity Jess”. Puro raw kasi kalamidad o gulo ang aking mga coverage. Maligalig rin po kasi masyado ang bansa noon. From coup attempts in the mid-80s to the 90s. The most tragic calamities and disasters. Sa aking coverage ng giyera sa Afghanistan noong 2002 at sa pareho ring taon ng Israeli-Palestinian conflict, nakita ko na sa giyera, wala talagang panalo. At ang laging talo kung sino pa ang mahina na nga’t maliit.

I interviewed victims, with no one and nothing left after the strong earthquake in Baguio in 1990, the devastating floods in Ormoc City, Leyte in 1991, and super typhoon Yolanda in Tacloban City in 2013. Maaga pa lang, nagpahiwatig na ang kalikasan. Climate change is real and here, sooner than we thought.

Sa isang iglap, ganun-ganun lang, puwedeng mawala ang lahat-lahat! Lalo na ang pinakamamahal sa buhay. Sabi ko noon, "How could fate be so unkind." But people do move on in spite of everything. Survival, after all, is an instinct. It is what we are wired to do. At kapag nasa bingit ka pala ng peligro o ng kamatayan, when your life is on the line, you need to draw strength from other people. Huwag lang may isang panghinaan ng loob, at lahat kayo, bibigay.

I cannot claim sole credit for my body of work for the past four decades. That, also belongs to every single person I have worked with. At sa mga nakasama kong nakaligtas sa pinakamahihirap at pinaka-delikadong assignment. Kapag kayo’y nagtatrabaho na, pahalagahan niyo rin sana ang inyong mga katrabaho, mula sa maliit hanggang sa mga bossing. And never, ever take advantage of the weaker and smaller among us! Bad iyun!

I would not have stumbled on another important story, "Kidneys for Sale"; If an old acquaintance did not trust me enough to lead me and my team to one of the poorest neighborhoods in Tondo: Baseco compound, where poor men were selling their kidneys to be transplanted to patients who have the money, including foreigners. Because of our exposé, the government now regulates kidney donations. Bawal na diumano ang kidneys for sale. Update: marami pa rin po ang nagbebenta ng kanilang kidney. And based on our latest story on the same issue, sa tulong ng mga sindikato, napapaikutan na ang batas.

40 years and counting, what have I learned? Paulit-ulit, parang na-re-recycle lang ang ating mga problema. Hindi nalulutas. Nadadagdagan pa nga. That’s why we should not stop asking questions. Huwag matakot o mahiyang magtanong. In all of my 40 years as a journalist, walong presidente na ang aking na-cover—with the exception of President Ferdinand Marcos Sr., who I covered one year before he was overthrown and also while in exile in Hawaii, lahat sila, na-interview ko. Iyun lang, naranasan ko ring ma-walkout-an, mapahiya, mapagalitan, madabugan at ma-bash! Please don’t get me wrong. I’m lucky to have been given access to power and a chance to ask our leaders the hard questions na tinatanong din ng bayan. Kayo rin, huwag  kayong titigil na magtanong!

Dumami raw ang mga bilyonaryo at milyonaryo sa Pilipinas, pero bakit marami pa rin ang mga mahihirap? At malawak ang agwat sa pagitan nila, sa mga mayayaman. Mahirap nga ba talaga ang Pilipinas; gayung limpak-limpak ang nananakaw ng corruption? 20% of the national budget according to estimates. And that easily translates into billions, or worse, trillions!

Isa pang tanong, ang mga magkaka-apelyido sa mga billboard o tarpaulin sa kampanya, bakit proud pa yata sila? Na ang mga puwesto sa gobyerno ay namamana? O para na nilang napa-titluhan?

Heto pa, bakit kulang na kulang pa rin ang mga oportunidad sa ating bansa? Para sana, hindi na kailangang mag-abroad ni tatay, ni nanay, ni ate o kuya, at sa malamang, pati ang ilan o marami sa inyo. Shoutout lang po sa ating OFW parents and families diyan. Saksi po ako sa kagandahan ng inyong loob. Saan mang bansa, kahit hindi magkakilala, basta mukhang Noy-pi, pag nagkasalubong magbabatian ng "Kabayan!" At alam niyo ho, tuwing meron kaming ifini-feature sa aming programa na mga nangangailangan ang ating dakilang OFWs o Global Pinoys ang nangungunang nagbibigay ng tulong. Kaya, i-KMJS na iyan!!!

Mabiyayaan man kayo—sana all!—ng komportableng buhay balang araw, magtanong pa rin, para sa iba, lalo na, ang mga nangangailangan. Hindi ba’t “Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo, sino.” Be disruptors for good! The status quo is not ok, the system is broken. We need to keep asking the hard questions. Kung libre namang mangarap, dapat malaya rin tayong makapagtanong!

Honor. Excellence. At ngayon, nadagdagan ng Service. Special shoutout at thank you, President Jigil. Para madaling tandaan: H-E-S. Honor, Excellence, Service. Puwede rin namang SHE for Service, Honor, Excellence. Basta’t dapat mauna ang Honor before Excellence. Hindi puwedeng Excellence before Honor. Sabi ni Mareng Winnie o ni Professor Emeritus Winnie Monsod ng School of Economics, na naging teacher ko rin sa Econ 11. Honor and Integrity. Sa paghahanap ng katotohanan o sa pagtupad sa trabaho o tungkulin, never ever compromise your integrity. Be honest in ALL that you do.

To our dear graduates, sorry sa pressure but we put our hopes on you! Be like the sunflowers blooming now. Follow the sun! Do not be afraid to start from scratch or nothing. Nung ako’y nagsisimula, para lang daw ako pinabili ng suka. No one becomes an expert the job overnight! And to learn is to fail, so keep trying. Don’t crumble or don’t get crumpled, katulad ng nangyari sa mga una kong isinulat na scripts o kuwento. Daming hugot hehe.

Sabi nila, fragile daw kayong mga Gen Z. Sabi ko naman, woke sila; connected 24/7. Sigurado ako, they know more than us. You have the skills, the tools, and the technology. Use those for good. But yes, toughen up! Persevere and endure. Grit. Maging matatag. Walang madali sa buhay. Pero wala ring imposible!

Like many of you, my journey to UP, was also not easy. Hindi bet ng tatay ko nung una dahil, "ay nagtangken ti ulo na." That’s Ilocano for napakatigas daw ng ulo ko.

For a big part of my life, I felt shortchanged. Having lost my mom to cancer when I was only eight years old. But my work has taught me that life is too fleeting and much too precious to dwell on what I don’t have. And when I look back at where I came from—a small town girl who didn’t have much—UP was a level playing field. I hope the university will continue giving students from the provinces and also public schools, chances to qualify.

Eh ano ngayon kung UP ka? Kapag may nagsabi sa inyo nito, huwag ma-trigger! Don't take it as an insult or as shade, but a gentle nudge, challenge, or reminder na, "Yes, UP tayo!" What a blessing, but it is also a responsibility! Maging karapat-dapat na Iskolar ng Bayan.

It is my honor and privilege to speak and be with you today. Congratulations, graduates and parents!!! Go rock the world!