In the Paper BrandedUp Watch Hello! Create with us Privacy Policy

Vico Sotto challenges UP Diliman graduates to choose integrity over ambition

Published Jul 10, 2025 7:33 am Updated Jul 11, 2025 1:30 am

During the 2025 UP College of Engineering recognition rites on July 8, Pasig City Mayor Vico Sotto delivered a powerful speech, asserting that intellect alone cannot save the country.

He urged graduates to prioritize courage and goodness over comfort and self-interest, warning against the corruption in both public and private sectors.

Sotto, who believes in the potential of this generation, also challenged the audience to rethink traditional definitions of success.

Ultimately, he called on the graduates to live with faith and integrity and use their privilege to serve and help the less fortunate.

Pasig Mayor Vico Sotto giving his speech during the UP Diliman College of Engineering Recognition Rites on July 8.

Read the transcript of Sotto's speech below.

Marami salamat po kay Dr. Tingatinga sa very generous introduction po sa akin. Ayusin ko lang po yung… Please allow me to shortcut the formalities by thanking all of your university officials, college officials, faculty and staff. Siyempre po, sa nag-imbita sa akin si Dr. Tanchuling din. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Isang karangalan po para sa akin na makaharap kayo ngayong umaga. Sa katunayan habang kaharap ko po kayo ngayon ay pakiramdam ko’y tumatalino rin po ako.

To the Class of 2025, congratulations po sa inyo! At siyempre alam naman po natin ang totoo, bagama’’t masaya tayo, ‘pag nag gagraduate tayo, ‘pag may mga espeyal na okasyon sa ating buhay, ang totoo, ang mas masaya pa po sa ganitong okasyon ay ang ating mga magulang, ang ating pamilya. To the parents, guardians, to the family of the graduates, congratulations. This is your day as well.

May mga tao pala hanggang upperbox, ano? Sabi po sa’kin bukod sa matatalino at masisipag ang mga mula sa U.P. Diliman College of Engineering, malalakas daw po sumigaw. Totoo po ba ‘yon? Sila na rin po nagsabi sa akin na mga taga-UP Engineering, mahiyain daw po. Totoo po ba ’yon?  Hindi, hindi yata.

Nandito po ba mga ga-graduate mula sa programa na BS Chemical Engineering? Industrial engineering? Mining Engineering? Ang dami niyo, ah. Metallurgical Engineering? Materials Engineering? Mga kaibigan, in the interest of time, di ko na po isa-isahin ang mga…(audience laughing) Civil Engineering, nasaan po kayo?

Mga kaibigan, mayroon po tayong dalawang matinding problema. Una po, sa kakamadali ko kaninang umaga, dahil ayoko pong mahuli. Mali po yung folder na naibunot ko. Hindi ko nadala yung totoong speech ko para sa umagang, ito. ‘Wag kayong mag-alala. Naalala ko naman, naisulat ko naman habang nasa sasakyan po ako.

Pero may pangalawa po tayong matinding problema. Ang bbinigay sa akin, para mabigay ang mensahe sa inyo ay 10-15 minutes lang daw po. Eh, sa dami ng ad-lib ko, introduction ko pa lang baka 15 minutes na po ‘yun, wala na akong masabing maayos sa inyo kaya po ako kinakabahan. Sa tech po natin, huwag natin masyadong diliman baka makatulog po sila. Sana may konting ilaw para… Ayun! Masunurin ‘yung tech natin, ah. Maraming salamat po sa ating technical team. Mabuhay kayo! (audience clapping) Niloloko niyo ako, ha?

Pero, pwera biro, muli po, it’s an honor and privilege to be here sa this morning at dahil nga po 10-15 minutes and I will try my best to adhere the guideline ano. Pero ‘di niyo naman siguro ako papatayan ng microphone, ano? Masamang joke ba ‘yon? Reaction ninyo. Kaya ko lang po nabibiro yan dahil bilang isang politiko, lalo na noong 2019, ako po ay isang batikan sa pinapatayan ng microphone. Ayun po.

Dati, tuwing kung saan ako pumupunta, nagkaka-brown out. Hindi ko alam kung malas lang talaga ako o ano. Pero ayun po yung experience ko nung 2019. Anyway, magkukuwento lang po ako nang kaunti mula sa experience ko. Siyempre mula sa experience ko ike-kuwento ko alangan naman mula sa experience ninyo. Mula sa akin kuwento, I don't aim to give a very profound or a super deep speech. Simple lang po. Iilan lang naman po ‘yung talagang points na gusto kong maiparating sa atin ngayong umaga.

Simulan ko po sa kuwento na naisip ko pong i-kuwento related sa engineering. Alam niyo nung nag-email po ako nung 2019, mayroon po ako nanamang isang problema na baka napanood po ng iba sa inyo. Sa Old City Hall na sinasabi ng marami ng mga panahon na 'yun ay structurally unsound. Katunayan, bago mag-campaign period noon, noong konsehal pa lang ako, may isang pagkakataon na sa eighth floor, overtime na ‘yon kaya parang past 5 p.m. kaunti na lang ‘yung tao, mga taga-budget office naka-OT. Kinekwento nila sa akin, biglang nag-jolt, may narinig silang sumabog, nag-jolt yung floor, nahulog ‘yung mga cabinet nila, napatalon po silang lahat. At nag-investigation later on, pero hindi alam kung ano ‘yung naging resulta nung imbestigasyon. Pagkatapos noon, naging mayor na ‘ko.

We're still using that same building. Sa mga magulang o sa mga lolo, lola ninyo na lumaki sa Pasig, alam po siguro hitsura nung three floors pa lang nung hindi pa City Hall kundi munisipyo pa lang noon, Municipal Hall. At siguro alam po nung iba na yung three floors na 'yun, kung ano 'yung foundation niya, sabi sa akin para sa four floors daw 'yung foundation na yun. Nung inextend o inexpand yung City Hall para maging hanggang eight floors siya with roof deck, hindi ginalaw 'yung foundation na yun. Sa gilid lang naglagay pero dun sa gitna, parang hanging 'yung fifth to eighth floor namin. Katunayan 'yun 'yung nakikita ngayon habang dinemolish po namin siya.

Pero long story short, nung nakaupo na po ako, nung isang araw nasa labas po ako, nag-i-ikot, may nag-text sa’kin, nag-evacuate daw yung mga taga eighth floor. Isang department head namin dito, baka alam niya po ‘yun. Pero mga taga-legal department, nagtakbuhan pababa. Sabi nila, naramdaman, umalog daw 'yung City Hall. Tiningnan po namin sa Command Center, walang ahh...may intensity, Intensity 1. Una, para sa Intensity 1, ba’t ganun kalakas yung pag-ganoon ng building. Pero nung tinignan namin sa PHIVOLCS, walang earthquake. So medyo kinabahan na. May kasunod pa po yung kwento, kaso seven minutes na lang po ang natitira, hindi ko na po itutuloy.

Marami sa inyo at sana marami sa inyo ay pumasok sa gobyerno. Mayroon po ba dito ang interesado mag-trabaho sa gobyerno? Curious lang naman po ako. Okay lang naman kung hindi, at least may iilan po. But whether you work in the private sector here or abroad, in the public sector, DPWH, LGU, wherever, very quickly we will start seeing the realities and the problems—not only in our communities but in the government and our society. ‘Pag pumunta po kayo sa gobyerno, makikita niyo kaagad 'yung kalakaran kung gaano kalaki yung mga kickbackan na tinatawag na "standard operating procedure" o SOP. Isipin po ninyo kung P6 trillion ang budget ng isang pamahalaan ng ating pamahalaang nasyonal, kung kalahati niyan dumadaan sa procurement, P3 trillion. Sabihin na lang natin na ano ba’ng 10% ng P3 trillion edi P300 billion. Tama ba? Pero alam naman natin hindi talaga 10% 'yan. Pinakamababa na daw 20%, 30%, 40%.

Maririnig niyo 'yung mga ibang nagkukuwento, kagaya ni Mayor Benji Magalong, sinisiwalat niya po, sinasabi niya minsan 50%, minsan ghost na. Easily, P1 trillion of our taxpayers' money in the Philippines, easily, P1 trillion goes to the pockets of our corrupt politicians. Not only politicians but bureaucrats as well. And for certain, pagpasok natin, hindi lang sa public sector kahit sa private sector, lahat tayo. 'Diba ‘pag kabataan diba may correlation ‘yan sa pagiging idealistic natin. Sana hindi mawala ang ideyalismo na ‘yon pero... Mabilis macha-challenge ang idealism natin. Ano mang larangan, kahit ‘di engineering eh, anumang larangan ang pasukin ninyo, mabilis ma-cha-challenge ang inyong idealism.

Hindi rin po sikreto na madaling makain ng sistema. Sa madaling salita, madaling mawalan nang pag-asa. At aaminin ko sa inyo, minsan, minsan nawawalan din ako. Humihina ng konti ang aking pag-asa. Pero alam niyo kung bakit nananatili akong optimistic o bakit nananatiling malakas ang pag-asa sa aking puso? Hindi dahil sa galing ko. At ito, totoo, maniwala kayo o hindi, ito ‘yung totoong dahilan. There are many things na nakikita naman natin siguro in 2025. Maybe we can argue it's not as bad as two decades, three decades, four decades ago. Siguro nasa magandang trajectory naman ng ating bayan. Pero ‘yung number one na dahilan kung bakit nananatiling mataas ang pag-asa sa puso ko ay simple lang po: dahil sa inyong henerasyon. Bakit? Madaling sabihin pero may dahilan ako. Promise may dahilan po ako.

Today's developments—whether in technology, artificial intelligence, quantum computing, lahat ng mga nakikita natin sa balita, nakikita natin sa iba't ibang larangan—not only in technology, even in politics throughout the world, locally—sometimes the developments can be very unsettling. But more and more, when I look at everything, when I look at the big picture, when I look at how things are developing, more and more I come to the conclusion that it is your generation, and perhaps until the next generation, that has the opportunity, the potential to create change, to be a catalyst for change in ways that are more drastic and in a faster pace that has ever been seen in the history of mankind.

Honestly, I've been giving a similar message or a similar speech since 2015, 2016. 'Di pa ako konsehal, ‘yun na ‘yung mensahe ko sa mga susunod na henerasyon. Pero ngayon, nakikita natin na mas totoo pa ito. If it was true 10 years ago, ngayon, grabe na ‘yung mga nangyari. It has, for better or for worse, you will have that opportunity. Whatever job you will take, whatever career you will enter, whatever field you will end up staying in, wherever you may be, this will be true at a faster pace than has ever been seen before. In a more drastic way than has ever been seen in the history of mankind, you will have that opportunity.

But with this in mind, I could give all kinds of advice that we usually hear during commencement addresses or graduations or even other inspirational messages, o ano naman tawag sa mga ganoon. I could tell you to dream big and to work hard at ‘di ko sinasabing mali 'yun, we should dream big. I encourage you to dream big and to work hard. Magsumikap tayo. Taasan natin ang ating mga pangarap pero again, don't get me wrong, tama naman po ‘yun. Nothing against dreaming big and working hard. But for the purposes of my message this morning, I'd like to keep it more simple and to challenge the conventional wisdom or the norms that we have when we come and talk about success. Ano ba ‘yun ibig nating sabihin pag sinabi natin tagumpay sa buhay?

In other words, maybe this is the best time for us to stop and think. Why? Kung bakit? Ang pangarap ba natin sa buhay ay magkaroon nang mataas na position? Maging CEO ng ganitong kumpanya? Maging negosyante na milyonaryo o bilyonaryo? Ang pangarap ba natin ay sumikat, magkaroon ng 1 million followers sa TikTok? Ang pangarap ba natin ay magkaroon ng mataas na position at maging makapangyarihan?

In my line of work, andami kong nakikita. Sabi ko nga kanina, napakadaling makain ng sistema. People start off with good intentions, to the saddest thing that I've seen as a person in government or working with government are actually people who have the right intentions when they start, but along the way, they get lost.

Nakakain ng pangarap, ng ambition. And again, there's nothing wrong with ambition per se. There's nothing wrong with big, lofty dreams. Pero ang tanong, bakit ba 'yun 'yung pangarap natin? Ba’t ko gusto magka-posisyon? I ask myself, really, bakit gusto ko bang maging mayor? Bakit ko ginusto maging mayor? Bakit ko gusto…bakit ko ginusto maging engineer? Bakit ko ginusto na dito ako mag-a-apply ng trabaho? Kung may trabaho ka na, bakit ko gusto ko ma-promote? Ano ba’ng mayroon? Sana hindi 'yun lamang—'yung position, ‘yung pera, ‘yung kasikatan. Successful ka nga, magulo naman ‘yung pamilya mo. Mayaman ka nga, galing naman sa nakaw yung kayamanan mo. Makapangyarihan ka nga, may position ka pero ang daming mong inapakan at inagrabyado para makarating kung nasaan ka. I hope that we don't think that it is worth it. I hope we take time as early as now to stop and think, bakit? Ano ba ang gusto kong makamit sa aking buhay? 

And so, I'd like to challenge the traditional definition of success, sa halip na traditional na depinisyon ng success ang gamitin natin, ba't hindi natin gamitin ang simpleng tanong, “Naging mabuting tao ba ako?” “Mabuti ba ako sa aking kapwa?” 

Mas mabuti na siguro 'yung manager ka na hindi ka umabot sa CEO pero naging mabuti ka, marami kang natulungan, marami kang na-impact na buhay. Kaysa naging CEO ka nga, alam mo naman paano ka nakarating doon, sarili mo lang ang iniisip mo—hindi maayos pamilya mo, hindi maayos buhay mo, hindi ka mabuti sa iyong kapwa.

In your future careers and lives, I hope and I pray that each and every one of you here will strive to live with faith, integrity, and strive to make an impact on the people around you. Strive to uphold the rights of others, and use whatever privilege you may have, whatever blessings you may have to serve, protect, and help those who are not as fortunate in life, the big things, the big dreams, the lofty ambitions, they may follow. But let’s not get caught up in that.

Anyway, let’s remember the big things, "big things" they want to see. Whether as individuals or families, hanggang para sa bayan natin, let’s remember that these "big things" always start with the smallest of decisions, the smallest of actions, the smallest of outcomes. Again, this is true for our personal lives, true for families, and this is true for our nation.

Ating graduates, wherever life may take you, wherever your careers may take you, wherever your families may take you, I hope at the end of the day, we will be able to say that "I may not have been able to change everything, there were frustrations sa trabaho ko, gusto kong baguhin lahat, gusto kong ayusin lahat ng sistema, pero ‘di ko naman talaga magagawa. Just do the best that I can. I may not have been able to change everything or do everything, pero naging mabuti ako sa aking kapwa at nakapag-ambag ako sa ikagaganda ng ating bayan."

Mga kasama, I only have negative 1 minute and 37 seconds left.

Again, to our fresh graduates, to our future generation, or rather, to our future engineers of the generation that will change things for our nation and maybe the world, may God bless you. God bless your lives and your future careers, and may you make your family and teachers proud.

Maraming salamat. Congratulations to the Class of 2025. Mabuhay po tayo.